Lacson at SP Sotto, pinag-iisipang mabuti na magtandem sa 2022 elections

79

Inihayag ni Senator Panfilo Lacson na napag-uusapan na nila ni Senate President Tito Sotto III na tumakbong magkatandem para sa 2022 elections.

Pero diin ni Lacson, pag-iisipan o pag-aaralan muna nilang mabuti ang kanilang kakayahan at nagsasagawa rin silang malalimang konsultasyon kung paano nila mareresolba ang mga problema ngayon ng bansa.


Ayon kay Lacson, kung hindi siya matutuloy na tumakbo sa pagkapangulo ay hindi siya sigurado kung tatakbo si1yang muli sa pagkasenador o magreretiro na sa politika.

Tiniyak naman ni SP Sotto na tatakbo siya sa pagka-ikalawang pangulo kung magpapasya si Lacson na kakandidato sa pagkapangulo na kanyang magiging running mate.

Inamin din ni SP Sotto na may iba pang nagbabalak tumakbo sa pagkapangulo ang kumakausap at nag-aalok sa kanya na maging running mate.

Plano ni SP Sotto na ihayag ang kanyang desisyon o plano sa 2022 elections sa huling linggo ng Hulyo pagkabalik ng sesyon o kaya ay sa Agosto.



Facebook Comments