Lacson, magsasagawa ng konsultasyon sa mga bus operator at driver sa San Juan City

44

Nakatakdang pulungin nina Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at ng kanyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga bus operator at driver upang magsagawa ng konsultasyon mamayang alas-10:00 ng umaga sa Northeast Greenhills, San Juan City.

Layon ng pagpupulong na alamin nina Lacson at Sotto ang problema na kinakaharap ng sektor ng transportasyon at pakikinggan din ang mga hinaing ng iba’t ibang bus operators and drivers’ associations sa bansa.

Si presidential aspirant Sen. Lacson ang siyang makakausap ng personal ng mga bus driver at operators habang si Sen. Sotto ay mapapakinggan sa pamamagitan ng Zoom upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.


Ang Partido Reporma naman ay magsasagawa ng rapid COVID-19 antigen testing sa lahat ng mga panauhin kung saan kinakailangan ang pag-oobserba sa social distancing protocols para na rin sa kaligtasan ng mga dadalo sa pagpupulong.

Facebook Comments