Lady Grab driver, tatambakan ng kaso matapos hampasin sa ulo ang isang pulis sa Taguig City

1111

Nahaharap sa maraming kaso ang isang lady grab driver matapos nitong hampasin sa ulo ang isang pulis sa Taguig City.

Kabilang sa reklamong kakaharapin mg suspek na si Mary Florence Norial, 26-anyos ay Alarm Scandal, Direct Assault at paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o Resistance and Disobedience to a person in authority

Ayon sa biktimang pulis na si Police Captain Ronald D. Saquilayan, 51-anyos, pansamantala siyang nag-park sa driveway upang sunduin ang anak na papalabas sa isang coffee shop sa Cayetano Boulevard, Bgy. Ususan, Taguig nang pagsisigawan siya ng babaeng sakay ng kulay blue na Hyundai Accent dahil sa hindi niya agad pag-abante.

Lumabas aniya ito ng sasakyan at kinatok ang kaniyang kotse at kinompronta siya.

Bunga nito, bumaba aniya siya ng kotse at isinumbong sa security guard ang ginawa ng babae saka siya bumalik sa sasakyan.

Nang papasok na siya sa kaniyang kotse, itinulak daw ng babaeng Grab driver ang pintuan ng sasakyan kaya hindi nakapasok ang pulis at hinampas ng suspek ang kaniyang ulo.

Dahil dito, ang biktimang pulis na mismo ang umaresto sa babaeng Grab driver na nagwawala at nagpupumiglas pa at siya ay dinala sa Taguig City Police.




Facebook Comments