LAGAY | LTO, nagdeklara ng all-out war laban sa mga “fixers”

54

Manila, Philippines – Nagdeklara na rin ng sarili nitong giyera ang Land Transportation Office-National Capital Region – ito ay ang all-out war laban sa mga tinatawag na “Fixers” .

Palihim na binisita ni Atty. Clarence Guinto, Director of LTO-NCR kasama si
Assistant Regional Director Ed De Guzman ang LTO-Pasay District Office at iba pang LTO offices upang mamanmanan ang kanilang operasyon.

Dito niya nakita ang mga naglipana sa mga paligid na mga fixers na nambibiktima ng mga walang malay na kliyente.

Ayon kay Atty. Guinto, malakas ang loob ng mga fixers dahil protektado sila ng mismong mga matiwaling LTO employees.

Gusto si Guinto na sa susunod na pagbisita niya ay dapat pinalayas na ang mga nagkalat na mga fixers sa kanilang mga district offices dahil nakasalalay dito ay ang mga puwesto ng kanilang mga district chiefs.

Facebook Comments