Lagay ng panahon, alamin!

36

Patuloy pa ring umiiral ang northeast monsoon o hanging amihan sa dulong hilagang Luzon.

Ayon sa PAGASA, bukod sa malamig na panahon ay magdadala rin ng mahihinang ulan ang amihan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.


Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay magiging maaliwalas ang panahon.

Maulap ang kalangitan sa Kabisayaan at Mindanao at may posibilidad ng ulan dulot ng localized thunderstorms.

Kasalukuyang nasa 13°C ang temperatura sa Baguio City habang sa Tagaytay ay nasa 19°C.

Narito pa ang temperatura sa sumusunod na lugar:

Metro Manila – 23-33°C
Metro Cebu – 23-29°C
Metro Davao – 21-31°C

Facebook Comments

From Advertisers