Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Patuloy na nakakaapekto sa bansa ang weather system na habagat partikular sa dulong hilagang Luzon.

Magdadala ito ng mga isolated thunderstorms o rainshowers lalo na sa hapon o gabi.

Wala namang namumuong sama ng panahon na posibleng makaapekto sa bansa sa loob ng tatlo hanggang limang araw.


Kaya asahan na ang magandang panahon, simula ngayon hanggang weekend.

Ang temperatura sa Metro Manila ngayong araw ay nasa 27 hanggang 33 degree Celsius.

Sunrise – 5:33AM

Sunset – 6:29PM

Facebook Comments