Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Magandang balita mga misis maaari na tayong magpatuyo ng mga damit ngayong weekend.

Nakalabas na kasi ng bansa ang bagyong Falcon at Low Pressure Area (LPA) na nasa dulong hilagang Luzon at tanging habagat na lang ang nakakaapekto sa bansa.

Si Falcon ay kumikilos pa-silangan kung saan papasok na ito ng South Korea at inaasahang magla-landfall doon, bukas ng gabi.


Kaya naman sa ating mga kababayan sa South Korea, kayo po ay maghanda sa pagtama ng bagyong Falcon.

Samantala, sa mga taga-Luzon dito sa Pilipinas, asahan pa rin ngayong araw ang maulang panahon partikular sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Group of Islands, Zambales, Bataan, Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Calabarzon, Mimaropa, Central Luzon at Cagayan.

Maaari naman na kayong makapamasyal dyan sa Kinabayo Festival sa Dapitan, Zamboanga del Norte lalo na at maganda na ang panahon sa Mindanao, maging sa Visayas.

Sunrise – 5:36 AM

Sunset – 6:29 PM

Facebook Comments