Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Maaliwalas ang panahon ang asahan ngayong araw sa halos buong bansa.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza, tanging hanging amihan pa rin ang umiiral pero magdadala ito ng mahihinang ulan sa Cagayan, Isabela, Aurora, Bicol region, Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.

Maaring pumalaot ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat sa alinmang baybayin ng bansa.


Ibayong ingat pa rin lalo na sa mga maglalayag sa baybayin ng Hilagang Luzon at silangang baybayin ng bansa lalo at katamtaman hanggang maalon ang lagay ng dagat.

Facebook Comments