Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

75

Bumangon at huwag nang tamaring maligo kahit malamig ang tubig dahil umiiral pa rin ang hanging amihan.

Mag-relax sa Cagbalete Island subalit magiging maulap hanggang sa makulimlim ang panahon dulot ng tail-end of cold front.


Pasyalan ang Northern Blossom Flower Farm sa bayan ng Atok habang may mahihinang ulan sa Cordillera, Cagayan Valley at Ilocos Region dulot ng hanging amihan.

Lakarin ang magagandang rock formation ng Apo Island sa Negros Occidental dahil maaliwalas ang panahon sa natitirang bahagi ng bansa maliban sa isolated thunderstorms.

Facebook Comments
From Advertisers