Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

36

Patuloy pa rin na umiiral sa bansa ang easterlies o ang mainit na hangin na mula sa dagat pasipiko.

Kaya naman ngayong araw, asahan ang mainit at maalinsangang panahon sa Southern Luzon, buong Visayas at Mindanao partikular na sa bandang tanghali hanggang hapon.


May mga ilan ding biglaang pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Ilocos Region at Central Luzon.

Ang temperatura ngayon araw sa Metro Manila ay nasa 26-34 degree Celsius, Metro Cebu, 24-33 degree Celsius at Metro Davao 24-35 degree Celsius.

Facebook Comments

From Advertisers