Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Intertropical convergence zone (ITCZ) ang patuloy na nakakaapekto sa bansa ngayong araw.

Dulot nito, asahan ang mga pag-ulan na may kasama pagkulog at kidlat sa Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, buong Visayas at Mindanao.

Magandang panahon naman ang mararanasan ngayong araw sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.


Wala naman bagyo ang namataan sa loob ng PAR pero posibleng ideklara na ng PAGASA ang opisyal na pagpasok ng tag-ulan anumang araw simula ngayon.

Sunrise – 5:26AM

Sunset – 6:25PM

Facebook Comments