Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

88

Magiging maulan ang pagdiriwang ng 121st Independence Day ngayon araw.

Apektado kasi ngayon ng southwest monsoon ang kanlurang bahagi ng Luzon.


Kaya asahan ang mga kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang Ilocos Region, Zambales, Bataan, Mindoro at Palawan.

Habang apektado naman ng localized thunderstorms ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Ang temperatura sa Metro Manila ngayon araw ay nasa 26 hanggang 34 degree Celsius.

Sunrise – 5:27 A.M.

Sunset – 6:25 P.M.

Facebook Comments

From Advertisers