Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

40

Umiiral sa halos buong bansa ang hanging amihan ngayong araw ng mga puso.

Kaya magiging malamig ang panahon lalo na sa gabi hanggang madaling araw.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – maaliwalas ang panahon sa Luzon kasama ang Metro Manila.

Maulap ang panahon sa Visayas at Mindanao.

Subalit asahan ang mga mahihinang ulan dala ng amihan lalo na sa silangang bahagi ng bansa.

Magiging katamtaman hanggang sa maalon ang baybayin ng hilaga at silangang bahagi ng bansa.

Facebook Comments