Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

43

Umiiral ang southwest monsoon o hanging habagat sa bansa.

Kaya asahan ang maghapong ulan sa Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa.


Sa Visayas, buong araw ang ulan sa central at western section.

Umaga pa lamang ay malakas na ulan na ang mararanasan sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Soccsksargen at halos buong Mindanao na ang makakaranas ng ulan pagdating ng hapon.

Sa Metro Manila, mataas ang thunderstorms sa hapon lalo na sa gabi.

Sunrise: 5:27 ng umaga

Sunset: 6:25 ng gabi

Facebook Comments

From Advertisers