LAGLAGAN NA | Miyembro ng panel na nagbasura sa drug case nina Kerwin Espinosa at Peter Lim, nilaglag si SOJ Aguirre

305

Manila, Philippines – Kinontra ni Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes ang pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na wala itong alam sa naging takbo ng kanilang imbestigasyon sa drug case nina Peter Lim at Kerwin Espinosa. Ayon kay Reyes, regular ang kanilang pakikipag-ugnayan kay Aguirre habang tumatakbo ang kanilang imbestigasyon. Sa katunayan aniya, kinonsulta pa nila si Aguirre nitong nakalipas na buwan bago nila pinirmahan ang resolusyon na nag-aabsuwelto sa grupo nina Lim at Espinosa. Aminado rin si Reyes na masama ang kanyang loob sa aniya ay tila panlalaglag sa kanila ni Aguirre. Una na kasing sinabi ni Aguirre na nitong Miyerkules lamang niya nalaman ang estado ng nasabing kaso at nagulat siya sa naturang resolusyon.

Facebook Comments