Lagman, nanawagan sa Senado na suportahan ang furlough ni Sen. De Lima

Manila, Philippines – Hiniling ni Albay Rep. Edcel Lagman sa Senado na suportahan ng mga senador ang furlough na hinihiling ni Senator Leila de Lima upang makalahok sa botohan sa mga mahahalagang panukalang batas.

Paliwanag ni Lagman, may basehan ang hiling ni de Lima dahil ito ay isang halal na senador at may karapatan at katungkulan na makilahok sa botohan sa mga panukala.

Ito rin aniya ay nakapaloob sa Konstitusyon ng bansa.


Aniya, presumed innocent pa rin ang senadora habang hindi ito nahahatulan ng korte base na rin sa bill of rights.

Hindi rin flight risk si De Lima at may security escort naman na titiyak na babalik ito sa detensyon pagkatapos na makaboto sa Senado.

Si Lagman, kasama ang iba pang bumubuo ng Magnificent 7 sa kamara ay bumisita ngayon kay de Lima sa Kampo Krame.

DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments