Lagpas sa 12 miyembro ng senatorial slate ng Lacson-Sotto tandem, hindi magiging problema

884

Hindi problema umano sa panig ni presidential aspirant Senator Panfilo Lacson ang lagpas sa 12 miyembro ng kanilang senatorial slate.

Sa interview ng RMN Manila kay Senator Lacson, ang nasa listahan ng kanilang senatorial slate ni Senator Tito Sotto ay napili nilang nais manalo sa nalalapit na eleksyon.

Ani Lacson, desisyon pa rin ng taumbayan ang 12 mananalong kandidato para sa pagka-senador.


Sa ngayon ay 15 ang nasa listahan ng Lacson-Sotto tandem para sa kanilang senatorial slate kung saan pinakabago sa kanilang hanay ang broadcaster na si Raffy Tulfo.

Sa nalalapit na 2022 national and local elections, tanging 12 lamang ng pinakamataas na boto mula sa taumbayan ang ihahalal para sa posisyong senador.

Facebook Comments