Laguna, mahigpit na tinututukan ng DOH dahil sa mataas na kaso ng COVID-19

Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na tinututukan nila ngayon ang Laguna sa harap ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Kaugnay nito, nagtungo mismo sa Laguna si Duque at ang National Task Force (NTF) for COVID-19 para kausapin ang mga lider ng Local Government Units (LGU) sa lalawigan.

Ang Laguna kasi ay kabilang sa top provinces na may most active cases ng COVID-19


Kabilang sa present sa pagpupulong sina NTF COVID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon, NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at si Laguna Governor Ramil Hernandez.

Sa naturang pulong, binigyan ng gabay at technical assistance ang Laguna LGU para mas mapaigting pa ang laban kontra COVID-19.

Facebook Comments