LAKAS-CMD, hinihintay rin si Davao City Mayor Sara Duterte

522

Bukas ang Lakas-Christian Muslim Democrats (LAKAS-CMD) Party kay Davao City Mayor Sara Duterte na maging standard bearer ng partido sa 2022 national election.

Ito ang sinabi ni Deputy Speaker Prospero Pichay, Lakas-CMD Secretary General, kasabay ng pag-amin na mayroon silang pinaghain ng kandidatura para sa presidente at bise presidente sa susunod na taon.

Handa aniya ang LAKAS-CMD na tanggapin si Mayor Sara para maging substitute presidential candidate sakaling magdesisyon itong tumakbong presidente.


Ayon kay Pichay, dahil sa November 15 pa naman talaga magkakaalaman kung sinu-sino ang mga seryosong tatakbo, saka lamang magco-convene ang LAKAS para pag-usapan kung sino ang susuportahan.

Binanggit pa ni Pichay na mayroon silang alyansa sa Hugpong ng Pagbabago ni Mayor Sara kaya umaasa sila na magbabago pa ang isip nito at maisipang tumakbo na sa pagkapangulo.

Facebook Comments