Lakers, gustong makabuo kaagad ng “super team”

Nagkukumahog na ngayon ang Los Angeles Lakers na makabuo ng “super team”.

 

Sa susunod kasi na linggo ay magbubukas na ang free agency at kailangang makumpleto na nila ang super team dahil nalalapit na ang moratorium sa free agency sa NBA.

 

Una rito, umugong na ang balita sa pag-trade ng Pelicans kay Davis papuntang Lakers at dito niya makakasama ang superstar na si Lebron James.


 

Samantala, target na ng Lakers na makabuo ng powerhouse team kaya sunod na binabalak na nilang makakuha ng isa pang maximum salary slot na pasok sa kanilang cap space.

 

Puspusan pa rin ang ginaganap na negosasyon ng Lakers sa ibang team upang magkaroon na ng deal sa tatlo sa limang natitira nilang players na sina Mo Wagner, Isaac Bonga at Jemerrio Jones.

Facebook Comments