Lakers, muling tinambakan ang Rockets

31

Sa ikalawang pagkakataon, muling ibinaon ng Los Angeles Lakers ang Houston Rockets sa score na 117-100.

Nanguna sa opensa ng Lakers si National Basketball Association (NBA) Finals Most Valuable Player (MVP) LeBron James na nakagawa ng 26 points at Anthony Davis na may 19 points.


Sa ngayon, hawak ng defending champion ang win-loss record na 9-3.

Sa kampo naman ng Houston, nagtala lamang si James Harden ng 16 points para lumagpak sila sa win-loss record na 3-6.

Facebook Comments