Lakers, planong gawing starting point guard si LeBron James

Plano ng Los Angeles Lakers na gawing starting point guard si NBA superstar LeBron James kasama si Lakers veteran Danny Green sa backcourt sa susunod na conference.

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na inilagay sa backcourt ang four-time NBA player dahil maging sa Miami Heat at Cleveland Cavaliers ay napunta rin si LeBron sa nasabing puwesto.

Ayon sa bagong head coach ng Lakers na si Frank Vogel, gusto nitong i-maximize ang opensa ni LeBron bilang primary ball distributor habang hinihintay si Anthony Davies para sa koponan.


Samantala, magiging shooting guard naman ng Lakers si Danny Green, na lumipat mula sa Toronto Raptors.

Facebook Comments