LALABAN PA | Manny Pacquiao, planong lumaban bago matapos ang taon

216

Manila, Philippines – Plano daw ngayon ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na muling bumalik sa ibabaw ng ring bago matapos ang taon.

Bagaman at wala pang napipiling kalaban, nais ni WBA Welterweight Champ na si Pacman na gawin ito sa December 2 at pag-uusapan pa nila kung saan bansa ito gaganapin.

Kabilang sa mga potensyal nitong makaharap sa kanyang title defense ay sina Terence Crawford, Vasyl Lomachenko at Amir Khan.

Pero payo naman sa kanya ng mga boxing experts, pag-isipang maigi kung sino ang nais na makabakbakan sa ibabaw ng ring para masigurong tatangkilikin ito ng mga tao.

Facebook Comments