LALAGDA | HNP ni Sara Duterte, magsasagawa ng signing alliances ngayong araw

42

Manila, Philippines – Magsasagawa ng signing alliances ngayong araw ang regional party na binuo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Lalagda para sa alyansa ang HNP sa walong national at local political parties na pangungunahan ng nacionalistas.

Ayon kay Mayor Duterte, handa ang HNP na umagapay ang PDP-Laban na partido ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ng alkalde, ang HNP ay makipagkaibigan sa iba pang partidong pulitikal na sumusuporta sa Duterte Administration.

Gaganapin ang signing alliances sa Parañaque City mamayang umaga.

Facebook Comments