Lalaki, arestado dahil sa pagbenta ng tingi-tinging gasolina

Kalibo, Aklan — Arestado ng mga miyembro ng Kalibo Municipal Police Station ang isang lalaki dahil sa pagbenta ng tingi-tinging gasolina sa Brgy. Bakhaw Norte, Kalibo, Aklan. Kinilala ang naaresto na si Ariel Inventado, 35-anyos na tubong Torralba, Banga. Na recover ng mga otoridad sa lugar ang 10 lalagyan ng tingi-tinging gasolina, 20 containers at pera na nagkakahalaga ng P11, 400. Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1865 o Illegal Selling of Petroleum products si Inventado.

Facebook Comments