Lalaki, arestado dahil sa pambubogbog sa video journalist at call center agent sa Pateros

33

Huli ang isang lalaki matapos na bugbugin at pagbantaan ang buhay ng isang video journalist at call center agent sa Barangay Aguho, Pateros.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagtalo ang suspek na si Reynaldo Relova, 49-anyos at video journalist na si Xandrix Manalili, 46-anyos hanggang sa nauwi sa bugbugan.


Kaya naman inawat sila ng biktimang call center agent na si Jennica Alexie Manalili, pero sa halip magpaawat sinuntok siya sa ulo ng suspek sabay alis at nagmamadaling bumalik bitbit ang ice pick at itinutok sa mga biktima.

Nagsisigaw pa ito na papatayin ang mga biktima at pagsasaksakin ng ice pick, pero kalaunan ay napakalma ito ng kapatid na lalaki.

Inireklamo naman siya ng mga biktima kaya rumesponde ang mga pulis at inaresto ang suspek.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa Pateros Police Station Custodial Facility at mahaharap na sa kaso.




Facebook Comments