Lalaki, Arestado dahil sa Patung-Patong na Kaso!

82

*Quirino, Isabela- *Arestado ang isang lalaki sa Brgy. Purok 3 Cabaruan, Qurino, Isabela dahil sa kasong pagpatay at bigong pagpatay.

Kinilala ang akusado na si Joemar Rosqueta, 37 anyos, binata at residente ng nasabing lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Bernabe Mendoza ng RTC branch 23 sa Bayan ng Roxas, Isabela na may petsang Abril 23, 2019.

Siya ay makakalaya lamang kung makakapaglagak ito ng piyansa na nagkakahalaga ng anim napu’t apat na libong piso (P64,000.00) para sa kasong homicide at frustrated murder.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Quirino Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers