Lalaki, arestado matapos magpanggap na empleyado ng NHA sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos magpanggap na empleyado ng National Housing Authority (NHA) sa Barangay Batasan, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Isagani Sarmiento na nahuli sa ikinasang entrapment operation.

Kwento ng isa sa mga biktima, humingi ang suspek sa kanya at ng iba pang mga nabiktima nito ng kabuhuang mahigit 100,000 pesos.


Pangako aniya ng suspek na makakalipat sila ng bahay nitong Mayo pero nang makuha na ang kanilang pera ay hindi na ito nagpakita.

Itinanggi naman ng suspek na taga-NHA siya.

Pursigido naman ang mga biktima na sampahan ng kaukulang kaso ang suspek.
DZXL558

Facebook Comments