Lalaki, arestado matapos magpanggap na isa sa mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau

48

Kalaboso ang isang lalaki matapos magpakilala na isa sa mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau o MTPB sa Raxabago Street, Tondo, Maynila.

Nakilala ang nadakip na si Jhon Mar Dela Cruz na residente ng Moriones Street.


Nabatid na isang concerned citizen ang nagsumbong sa legit na tauhan ng MTPB kung saan nakita niya si dela Cruz na nangingikil sa mga truck na dumadaan sa Moriones gayung ipinagbabawal ang mga naturang sasakyan na dumaan dito.

Agad na nagtungo ang mga tauhan ng MTPB at mga pulis at dito na nila nakita ang suspek na naka-complete uniform pa at nasa aktong hinihingan ng pera ang isang truck na may bitbit na food packs na dadalhin sana sa Manila City Hall.

Mabilis na dinakip ng mga otoridad ang suspek at pagsapit sa presinto ay inamin nito na nagawa lamang ang pangingikil dahil sa walang panggastos sa pamilya lalo na’t hindi makapasok sa trabaho ang kaniyang mga kapatid dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Facebook Comments