Lalaki, arestado matapos makuhaan ng ilang sachet ng shabu sa Pasay City

Huli ang isang 23-anyos na drug suspek matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Brgy. 60, Zone 7, Pasay City.

Kinilala itong si Eban Caballero nakatira sa Brgy. 60, Zone 7, Pasay City at kabilang siya sa drugs watchlist.

Sa ulat ng Pasay City Police Station, nang ikasa ang buy-bust operation ay nakuha ang apat na sachet ng shabu na aabot sa 3.17 grams at may estimated street value na P21,556.


Sa ngayon, nakakulong na ang suspek at nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments