Lalaki, arestado matapos makuhaan ng ilang sachet ng shabu sa Quezon City

38

Naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang drug suspek matapos ang ikinasang buy bust operation sa Don Faustino St., Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Arnel Asor, 32-anyos, tubong Bicol at pansamantalang nakatira sa San Roque II, Bagong Pag-Asa, Quezon City.


Sa ulat ng pulisya, nang isagawa ang anti-illegal drug operation ay nasabat ang limang sachet ng shabu.

Umaabot ito ng 30 gramo na may Dangerous Drug Value na P204,000 at P12,000 boodle money.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments