Lalaki, arestado matapos mangikil sa dalawang babaeng negosyante sa Valenzuela

28

Arestado ang isang lalaki sa kasong extortion na inireklamo ng dalawang negosyanteng babae sa lungsod ng Valenzuela.

Kinilala ang suspek na si Ramil Longanilla Coronel, 41 taong gulang at walang trabaho.


Ayon sa Valenzuela Police, humingi ng ₱1,260 ang suspek sa isang negosyante dahil hindi raw ma-renew ang business permit nito at ₱15,000 naman sa isa pang biktima sa paglabag sa Sanitary Permit ng Sari-Sari Store nito.

Kaagad nagsagawa ng operasyon ang mga pulis at nahuli nila ang suspek na tumanggi pa sumama sa mga otoridad at nakumpiska pa ang mga pekeng iba’t ibang Local Government IDs.

Mahaharap sa kasong robbery extortion, falsification of public documents at resistance and disobedience.

Facebook Comments

From Advertisers