Lalaki, arestado matapos masagasaan at mapatay ang isang pedestrian sa Valenzuela City

232

Nakakulong na ngayon ang isang 32-anyos na lalaki matapos masagasaan at mapatay ang isang pedestrian sa McArthur Highway corner Bizotte Street, Karuhatan, Valenzuela City.

Kinilala ang nahuli na si Lowie Adryan Martinez, na nagmamaneho ng motorisklo nang masagasaan nito ang biktima.


Batay sa ulat ng Valenzuela City Police Station, nagmamaneho ang suspek sa kahabaan ng southbound ng McArthur Highway patungong Monumento nang mabundol nito ang biktima habang tumatawid sa pedestrian lane sa may corner Bizotte Street Karuhatan.

Sa pagkakabundol nagtamo ang biktima ng malalang sugat sa kanyang katawan na agad isinugod sa Valenzuela Medical Center ng Valenzuela Rescue Team hanggang sa ilipat sa Fatima Medical Center pero idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon, nahaharap na ang suspek sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Facebook Comments