Lalaki, arestado matapos molestyahin ang isang 14-anyos ng dalagita sa Quezon City

142

Quezon City – Arestado ang isang lalaki matapos molestyahin sa isang 14-anyos na dalaga sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Ayon kay Barangay Commonwealth Chairman Manuel Co – ang suspek na si Lino Dayalogo ay dati nang nahaharap sa kasong frustrated homicide.


Pahirapan ang paghuli sa suspek dahil ito ay armado ng itak at nagtago sa isang bahay.

Sa kabila ng paghingi ng tawad ng suspek, desidido ang pamilya ng dalaga na sampahan siya ng reklamong pangmomolestya.

Facebook Comments