Lalaki, arestado sa higit ₱100,000 na halaga ng iligal na droga sa Valenzuela

Hindi na nakapalag pa ang isang lalaki matapos masakote dahil sa iligal na droga sa lungsod ng Valenzuela.

Nakilala ang naaresto na si Julius Gonzales, 39-anyos na residente ng Tamaraw Hills sa Brgy. Marulas.

Naaresto si Gonzales sa Agapita Street sa Brgy. Gen. T. de Leon matapos nitong pagbentahan ng iligal na droga ang isang asset ng Station Drug Enforcement Unit ng Valenzuela Police ng halagang ₱8,000.


Nakumpiska sa suspek ang nasa apat na sachet na shabu na may 20 gramo ang bigat at nagkakahalaga ng P136,000.

Nabatid na ikinasa ang operasyon laban kay Gonzales matapos na may mag-report sa mga awtoridad hinggil sa iligal nitong gawain.

Facebook Comments