Lalaki, arestado sa isinagawang drug buy bust operation sa Roxas City

69

Roxas City, Philippines – Arestado sa isinagawang drug buy bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Capiz Police Provincial Office ang isang lalake sa loob ng lodging house sa Arnaldo Boulevard, Roxas City.

Kinilala ang suspek na si Hassan Sultan Y Emam, walang permanenteng address sa lungsod ng Roxas at isa sa top ten high value target ng Capiz PNP.

Nakuha ng mga operatiba sa kamay suspect ang 13 sachet ng suspected shabu, P1000 na marked money, wallet at iba pang drug paraphernalia.

Ang nasabing suspect ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments