Lalaki, dead on the spot matapos makipagbarilan sa Agham Road, Quezon City

141

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang lalaki matapos makipagbarilan sa hindi pa nakikilalang suspek sa Agham Road, Quezon City.

Nabatid na ang biktima ay kakalaya lamang sa kulungan kung saan may kaso ito na nauugnay sa paggamit ng iligal na droga.

Kinilala ang biktima na si Mario Gumiran, residente ng nasabing lugar.


Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nagpalitan ng putok ang biktima at ang hindi pa nakikilalang lalaki.

Ayon kay Consuelo Gamiran asawa ng biktima , matagal ng may nagbabanta sa buhay ng kanyang asawa.

Samantala, iniinmbestigahan na mga kapulisan ang motibo sa likod na pamamaril sa naturang biktima.



Facebook Comments