Lalaki, huli sa aktong pagnanakaw sa isang hardware sa Makati

19

Tiklo ang isang kawatan matapos maaktuhan ng pagnanakaw sa isang hardware store sa Makati.

Kinilala ang suspek na si John Michael Jocob na nanloob sa Bacon Construction Supply, sa JP Rizal Ave Corner Pililia St. Brgy Valenzuela, Makati City.


Naaktuhan ng testigong si Arnold Rivera, 42 taong gulang, ang pagnanakaw na ginagawa ni Jocob.

Agad na naireport ng witness ang pagnanakaw sa mga Bantay Bayan ng Barangay na siya namang ikinaaresto ng suspek.

Kasama sa mga narecover sa suspek ang mga ninakaw nitong crocodile jack, stand jack at assorted kitchen utensils.

Facebook Comments

From Advertisers