Lalaki huli sa checkpoint matapos makuhanan ng droga

196

Arestado ang isang lalaki nakaangkas sa isang motorsiklo matapos itong
mapadaan sa isang surprised checkpoint na inilunsad ng mga elemento ng PP2
kamakalawa ng umaga sa Don Ramon Rabago street ng lungsod.
Kinilala ang nahuli nasi Jerome Kual 24 anyos na residente ng mother
barangay Rosary Heigths na nakuhanan ng isang sachet ng shabu na
nagkakahalaga ng 600 pesos.
Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP2, abala sa oplan kapkap bakal
checkpoint sina PCI Efren Salazar malapit sa Espino area ng dumaan ang
riding in tandem, na isinailalim kaagad sa kapkap at ditto nakita sa isang
bulsa ng angkas ang isang sachet.
Mabilis na hinuli ang suspect at dinala sa presinto na agad ipinasok sa
selda.Nahaharap si Kual sa kasong paglabag sa RA-9165.

Facebook Comments