Lalaki, kalaboso matapos mahulihan ng baril at iligal na droga sa Las Piñas City

30

Kalaboso ang isang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na droga at baril makaraang masita dahil sa operasyon sa Lungsod ng Las Piñas.

Nakilala ang nadakip na si Mark Magaway, isang construction worker at residente ng Carnation St. TS Cruz Subdivision, Brgy. Almanza Dos.


Sa imbestigasyon, nagsagawa ng Oplan Sita ang Las Piñas City Police Station sa Daang Reyna Avenue kung saan naispatan nila si Magaway na walang suot na helmet.

Nang beripikahin at siyasatin si Magaway, dito na nakuha sa kaniya ang tatlong sachet ng shabu at isang baril na may apat na bala.

Nabatid na aabot sa P3,000 ang halaga ng iligal na droga na nakumpiska kay Magaway kung saan inaalam na ng pulsiya kung anong grupo siya nabibilang at kung nasangkot na ito sa krimen.

Facebook Comments