Lalaki, kinasuhan ang ka-date dahil sa pagtetext habang nanonood ng sine

25

Texas – Instant celebrity ang isang lalaking taga-Texas, usa matapos sampahan ng kaso ang babaeng naka-date nito dahil sa pagtetext habang sila ay nanonood ng sine.

Sinisingil ng $17.31 ni Brandon Vezmar ang naka-eye ball niya sa online dating app na si Crystal.

Katumbas ito ng halos 900 piso na halaga ng binayaran niyang ticket sa sine.

Kwento ni Vezmar, habang nanonood sila ng sine ay pinagsabihan pa raw niya si Crystal na itigil ang pagtetext pero bigla na lang daw siya nitong nilayasan.

Dahil sa sobrang bwiset, tinext ni Brandon si Crystal para pagbayarin sa nagastos niyang ticket na tinanggihan naman ng babae kaya naisipan niya itong kasuhan.
DZXL558

Facebook Comments