Lalaki na 9 na taong nakulong dahil sa kasong rape – inabswelto ng korte

81

Manila, Philippines – Inabswelto ng Korte Suprema ang isang akusado sa panggagahasa sa Maynila noong taong 2008.

Halos siyam na taong nakulong ang suspek na si Juan Richard Junloc matapos na akusahan ng pakikipagsabwatan sa isang Elvies James Meneses para gahasain ang biktimang itinago sa alyas “Ana.”

September 2013 nang hatulang guilty ng Manila RTC branch 37 ang suspek na kinatigan pa ng Court of Appeals kaya naiakyat ang kaso hanggang sa Korte Suprema.

Gayunpaman, binaligtad ng SC ang naturang ruling dahil sa kawalan ng sapat na ebidensyang sangkot nga sa panggagahasa si Junloc.

Agad namang ipinag-utos ng korte ang pagpapalaya sa akusado.

DZXL558

Facebook Comments