Lalaki na High Value Target ng PDEA at PNP, Timbog sa Buybust Ops

41

Cauayan City, Isabela- Bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang lalaki na high value drug target matapos magpositibo sa inilatag na drug buy bust operation ng mga awtoridad sa Brgy Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Sa eksklusibong pagsama ng 98.5 iFM Cauayan News Team, nakilala ang suspek na si Junjun Callueng, 44 taong gulang, cook, may asawa at residente ng barangay Saranay, Cabatuan, Isabela.


Nabentahan ng suspek ang isang poseur buyer ng isang (1) gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng Php1,500.00 na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang Php1,000 na ginamit na buybust money.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments