Lalaki, na-ospital matapos kumain ng mahigit 50 ice cream sa isang upuan

China – Na-ospital ang isang 44 anyos na lalaki sa Zhejiang Province sa China matapos kumain ng 54 ice cream sa loob lang ng isang upuan.

Ayon sa biktimang kinilala lamang sa pangalang Zheng, hindi na niya nakayanan ang nararanasang heat wave sa kanilang lugar kaya nagdesisyon siyang kumain ng ice cream para malamigan.

Pero ang problema aniya, nag-crave pa siya ng isang ice cream, at ng isa pa, hanggang sa maka-ubos siya ng 54 piraso.


At bilang matamis ang ice cream, syempre nauhaw si Zheng kaya nagdesisyon siyang uminom ng malamig na tubig.

Nakatulog pa si Zheng kinagabihan pero pagkagising nito kinabukasan, dito na siya nakaramdam ng matinding pananakit ng tyan.

Kaya naman nagpunta na sa ospital si Zheng kung saan nadiagnose ito ng pagkakaroon ng gastroenteritis at acute kidney malfunction.

Facebook Comments