Lalaki na Top 4 Regional Level sa Magkaibang Kaso, Arestado

48

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang lalaki na Top 4 Most Wanted Regional Level ng Police Regional Office No.2 sa matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. Aga, Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Edrick Gabuyo, 41 anyos, may asawa, walang trabaho at residente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Delfin Albano, dinakip si Gabuyo sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang galang hukom Felipe Jesus Torio ng RTC Br. 22 Cabagan Isabela para sa kasong 7 counts ng RA 7610 at 7 counts ng kasong Rape.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P200,000.00 bawat bilang sa dalawang kasong kinaharap nito.

Sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

*tags: 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, *Brgy. Aga, Delfin Albano, Isabela, Edrick Gabuyo, PNP Delfin Albano, RA 7610, Rape, Police Regional Office No.2, Cauayan City, Luzon

Facebook Comments