Lalaki na Wanted sa Batas, Timbog sa Ilagan City, Isabela!

157

*Ilagan City, Isabela- *Huli ang isang lalaki na wanted sa batas matapos na isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. Sindun Maride, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Ramon Mabbayad, 46 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Sindun Maride, City of Ilagan, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, hinuli si Mabbayad sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17, 2nd Judicial Region, Ilagan City, Isabela dahil sa kasong paglabag sa Section 21 ng RA 9125.

Dinala na sa Ilagan City Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Pansamantala itong makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang P36,000.00.

Facebook Comments

From Advertisers