Lalaki na Wanted sa Kasong Murder, Ipinasakamay sa PNP Cauayan City

81

Cauayan City, Isabela- Pansamantalang ipinasakamay ng PNP Palanan sa himpilan ng PNP Cauayan City ang isang lalaki na suspek sa kasong pagpatay.

Kinilala ang suspek na nahuli sa bisa ng warrant of arrest na si Aldric Cabaldo, 20 anyos, residente ng Dimatican, Palanan, Isabela.


Pansamantalang tinanggap kahapon ng PNP Cauayan City ang suspek na ibinyahe pa mula sa Palanan gamit ang eroplano.

Mananatili si Cabaldo sa kustodiya ng pulisya hanggat wala pa ang commitment order nito bago ipasakamay sa BJMP Cauayan.

Naganap ang kasong pagpatay ng suspek sa Lungsod ng Cauayan noong nakaraang taon at nahuli rin ito matapos ang kanyang matagal na pagtatago sa kanilang lugar.

Facebook Comments