Lalaki, nadulas patay sa Tarlac

Tarlac, Philippines – Patay ang isang lalaking may matinding karamdaman matapos madulas sa gilid ng Bulsa River sa Barangay Moriones, San Jose, Tarlac.

Batay sa imbestigasyon – naglalakad lamang ang biktimang si Henry Mariano, 36-anyos sa gilid ng ilog nang aksidenteng madulas at mahulog sa ilog na hanggang tuhod lang ang lalim.

Lumalabas na may epilepsy ang biktima at sinumpung ito bago mangyari ang insidente.
DZXL558


Facebook Comments