Lalaki, nahuli matapos makuhaan ng droga at mahuling naglalaro ng Cara y Cruz sa Makati City

67

Arestado ang isang lalaki matapos makuhaan ng droga at mahuli sa aktong naglalaro ng Cara y Cruz sa Soriano St. corner Cabanillas St., Brgy. Lapaz, Makati City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), kinilala ang suspek na si Michael Viña, 27-anyos, residente ng Hawaii St. Brgy. Lapaz, Makati City.


Sa inisyal na ulat pa ng Southern Police District (SPD), nagpapatrolya ang mga pulis sa may Cabanillas St. Brgy. Lapaz, nang mahuli sa akto ang grupo na mga kalalakihan na naglalaro ng Cara y Cruz.

Agad na nagkaripas ng takbo ang grupo ng mga kalalakihan pero nahuli nga si Viña at nang kapkapan ay nakuha ang ilang sachets ng shabu.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa Palanan sub-station para sa documentation at sa Pasay General Hospital para sa physical examination.

Facebook Comments