Lalaki, nahulihan ng baril habang nag-aantay ng masasakyan sa isang bus stop sa EDSA-Magallanes

Arestado ang isang 29-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng improvised revolver sa isang Bus Stop sa EDSA-Magallanes Northbound sakop ng Brgy. DasmariƱas, Makati City.

Kinilala ni Police Corporal Rozel Bulanon ng Sub-Station-5 ng Makati City Police Station ang arestado na si Rolando Bernardo, residente ng Malibay, Pasay City.

Nagsasagawa routine patrol sina Police Corporal Rozel Bulanon at Police Corporal Michael Delima nang may magsumbong sa kanila sa kahina-hinalang kilos ni Bernardo.


Nang papalapit na ang mga pulis ay kumaripas ito ng takbo na nauwi sa habulan at tuluyang masukol.

Nang mapansing nakapasok ang kamay ng suspek sa loob ng kaniyang pantalon, inutusan siyang itaas ito at dito na nakita ang sukbit niyang baril.

Nakumpiska kay Bernardo ang isang revolver .22 Magnum na kargado ng isang bala.

Facebook Comments